
Ngayong Setyembre, mapapanood na ang afternoon drama series na Abot Kamay Na Pangarap, ang bagong handog ng GMA Network.
Ang seryeng ito ay pagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Jillian Ward at Carmina Villarroel.
Bukod kay Carmina, makaka-eksena rin ni Jillian ang Chinito actor na si Richard Yap na gaganap bilang si Robert o RJ Tanyag, isang doktor na seryoso sa kaniyang trabaho.
Bago ang nalalapit na pagpapalabas nito sa GMA-7, sumabak sa medical-related trainings si Jillian, Richard, at iba pang cast para sa kanilang mga karakter sa bagong programa.
Sa latest Instagram stories ni Jillian, ibinahagi niya ang ilang larawan habang siya ay nasa loob ng operating room ng isang ospital.
Kamakailan lang, ibinahagi naman ni Richard sa Instagram ang ilang larawan niya habang kasama si Jillian sa isang medical training.
Mapapanood si Jillian sa bagong Kapuso serye bilang si Analyn, ang matalinong anak ni Lyneth (Carmina Villarroel) na magsisikap upang maabot ang kaniyang pangarap na maging isang surgeon.
Abangan ang Abot Kamay Na Pangarap, ngayong Setyembre na, sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: