GMA Logo Jillian Ward and Vince Crisostomo
What's on TV

Jillian Ward at Vince Crisostomo, magkukulitan mamaya sa 'Prima Donnas: Watch From Home'

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 17, 2020 2:03 PM PHT
Updated August 5, 2020 11:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Vince Crisostomo


Sina Jillian Ward at Vince Crisostomo ang magiging host ng 'Prima Donnas: Watch From Home' mamayang 5pm!

Muling magsasama-sama ang mga bida ng Prima Donnas sa masayang episode ng 'Prima Donnas: Watch From Home,' mamayang 5pm.

Sina Jillian Ward at Vince Crisostomo, na loveteam sa serye bilang sina Donna Marie at Cedric, ang magsisilbing host ng masayang kuwentuhan mamaya.

Bukod sa kanila, makikikulit din sina Althea Ablan, Elijah Alejo, Will Ashley, at Julius Miguel.

Hindi rin mawawala sa masayang kuwentuhan ang mga batikang aktor ng industriya na sina Katrina Halili, Wendell Ramos, Aiko Melendez, at Benjie Paras.

Tumutok lang sa masayang kuwentuhan mamaya sa 'Prima Donnas: Watch From Home,' 5pm sa YouTube channel, Facebook page at Twitter account ng GMA Network.