
Hindi makapagbakasyon sina Jillian Ward at Will Ashley kasama ang kani-kanilang mga pamilya ngayong summer dahil sa community quarantine na umiiral.
Kahit na ganito, gustong maging productive nina Jillian at Will upang hindi masayang ang panahong nasa bahay lang sila.
"Siguro maglalagay na lang ako ng picture ng dagat sa TV para feeling ko nasa dagat ako tapos may music na lang and magtitimpla na lang ako ng malamig na inumin," pagbibiro ni Jillian.
"Ang summer plan ko is to stay at home para safe ang lahat.
"And siyempre gusto ko rin ma-improve pa 'yung talents ko so 'yung summer plan ko rin is kumanta kanta ako dito sa bahay, or mag-dance ako with beach music nang matuto pa akong sumayaw.
"Or manood ako ng maraming movies para kapag back to work na, may magamit akong inspiration sa acting ko."
Para naman kay Will, susubukan niyang tuklasin ang kanyang mga natatagong talento.
Saad niya, "Siyempre, dahil may pandemic, mas pinipili namin ng family ko na mag-stay kami sa bahay para rin sa safety namin."
"Siguro ang plans ko this summer is to improve myself, my talents.
"Gusto kong maka-discover pa sa sarili ko ng bago."
Inilarawan din nina Jillian at Will kung ano ang "perfect summer vacation" para sa kanila.
Alamin ang kanilang sagot sa video sa itaas. Kung hindi ito naglo-load, pumunta DITO.
Balikan ang friendship nina Jillian at Will through the years sa gallery na ito: