
From bida to kontrabida si Jillian Ward nang gampanan niya ang karakter ni Kendra na siyang kontrabida ng Prima Donnas sa 'Prima Donnas: Watch From Home,' nang laruin nila ang 'Versus.'
Ginagampanan ng batikang aktres na si Aiko Melendez si Kendra sa Prima Donnas samantalang ang mabait na si Donna Marie naman si Jillian.
Panoorin ang pagganap ni Jillian bilang si Kendra:
Naging emosyonal naman si Will Ashley nang gampanan niya ang karakter ni Jaime Claveria, na siyang ginagampanan ni Wendell Ramos.
Panoorin kung paano pinakita ni Will ang kanyang galing sa pag-arte:
Sumabak din sa aktingan sina Althea Ablan at Elijah Alejo, na gumaganap bilang sina Donna Belle at Brianna. Ginampanan din nila ang ina ni Brianna na si Kendra.
Panoorin kung paano naging kontrabida sina Althea at Elijah:
Bukod kina Jillian, Althea, Elijah, at Will, pinatunayan rin nina Vince Crisostomo at Julius Miguel na kaya rin nilang maging si Jaime.
Panoorin kung paano nag-a la Jaime sina Vince at Julius:
Intense naman ang naging silent-acting ng isa pang teen actor na si Miggs Cuaderno. Ang ni-reenact ni Miggs ay ang scene kung saan nagtapat na si Jaime ng kanyang pag-ibig kay Lillian.
Pasado kaya kay Katrina Halili na siyang gumaganap na Lilian ang akting ni Miggs? Panoorin:
Muling mapapanood ang 'Prima Donnas: Watch From Home' ngayong Biyernes, July 3, sa ika-5 ng hapon sa YouTube channel, Facebook page, at Twitter account ng GMA Network.