
Hindi na lang sa bagong GMA Prime action-drama series na Never Say Die ang collaboration nina Star of the New Gen Jillian Ward at Pambansang Ginoo David Licauco.
Nag-team up na rin sila para sa ilang nakakaaliw na videos a TikTok.
Sa isang maikling video na ibinahagi ni Jillian sa kanyang account, magkasamang silang nagsayaw sa awit na "Chanel" mula sa South African singer na si Tyla.
@jillianwxrd ♬ CHANEL - Tyla
May 5.4 million views na ang video sa kasalukuyan.
Kasunod nito, ibinahagi din ni Jillian kung paano nila pinaghandaan ni David ang video.
Sa isa pang post, ipinakita niya ang quick dance tutorial na ibinigay niya kay David.
"First step, freeze, body roll pababa," instruction ni Jillian habang ipinapakita kay David ang moves para sa "Chanel."
Humirit din ang aktor at nagpaturo ng iba pang sayaw.
"Turuan mo 'ko ng dance na parang, 'Uy mukha kang hot diyan,'" request niya.
Pinagbigyan naman siya ni Jillian ang ipinakita ang sayaw para sa "Sexbomb" ni Tom Jones.
May 1.4 millions views na ang video na ito sa kasalukuyan.
@jillianwxrd kulang sa asin
♬ original sound - Jillian Ward
Patuloy na panoorin sina Jillian Ward at David Licauco sa action-drama series Never Say Die, Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime.
May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.