
Agaw pansin ang beach photo ng Sparkle actress na si Jillian Ward sa Instagram.
Dagsa ang comments at papuri sa Abot-Kamay na Pangarap actress sa photo na in-upload nito kahapon, April 20.
May fans din na nagsabi na bagay ang role na young Marimar para kay Jillian.
Matatandaang gumanap si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Pinoy adaptation ng hit Mexican telenovela noong 2007 kung saan nakapareha niya ang mister na si Dingdong Dantes. Taong 2015 naman nang napili gumanap bilang Marimar si Miss World 2013 Megan Young.
Samantala, malapit na mapapanood ang crossover ng karakter ni Jillian bilang Doc Analyn sa hit GMA Prime series na Black Rider.
RELATED CONTENT: JILLIAN WARD'S STUNNING TRANSFORMATION