GMA Logo Jillian Ward
Source: alloutsundays7 (IG)
What's Hot

Jillian Ward, co-writer ng single niyang 'Pumapag-ibig'

By Marah Ruiz
Published March 22, 2026 3:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SB19 opens additional seats to 'Wakas at Simula' concert in April
Dine 'dampa' style or play pickleball at this commercial complex in Pasay City
'Huwag Kang Titingin' drops chilling movie poster

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Isa si Jillian Ward sa co-writers ng bago niyang single na "Pumapag-ibig."

For the first time, ipinerform ni Star of the New Gen Jillian Ward ang bago niyang single na "Pumapag-ibig" sa weekend variety show na All-Out Sundays.

Suot ang short red dress at fiery red heels, kinanta niya nang live ang kanyang pop song na tungkol sa unang spark ng pag-ibig.

Ibinahagi din ni Jillian na personal sa kanya ang awit dahil isa siya sa co-writers nito.

"Actually, binigay po siya sa akin na na-compose na po nila 'yung song pero marami akong mga binagong lyrics na mas na-express ko 'yung nararamadaman ko talaga," paliwanag niya.

Umaasa daw siyang marami pa siyang mailalabas na iba pang mga kanta.

"Mayroon na po akong songs na sinulat pero one day ire-release ko siya," lahad ni Jillian.

Isa daw kasi ang pagkanta sa mga paraan para i-express ang kanyang sarili.

"Buong buhay ko kasi umaarte na po ako so parte na siya ng paghinga ko talaga. I think, ang pagkanta mas nae-express ko 'yung sarili ko bilang si Jillian, hindi siya karakter. Sana marami pa po akong malabas na songs," bahagi niya.

Dedicated naman daw ang "Pumapag-ibig" para sa lahat ng mga taong nakaranas magmahal.

"Sana magustuhan niyo po 'yung song. Tuwing pinapakinggan n'yo 'to, isipin n'yo na lang kung sino ba talaga ang nakakuha ng puso ninyo at talagang nakasapul sa puso ninyo. This song is for everyone na pumapag-ibig," aniya.

Source: alloutsundays7 (IG)

Samantala, bumibida rin si Jillian sa action-drama series na Never Say Die.

Panoorin ito Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

SILIPIN DIN ANG CONTRACT SIGNING NI JILLIAN WARD SA SPARKLE: