GMA Logo jillian ward
Screenshot from 24 Oras
What's Hot

Jillian Ward, dedicated na makapagbigay ng all-out performance sa kanyang first solo concert

By Aimee Anoc
Published July 3, 2026 3:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Senior citizen patay, 11 sugatan sa salpukan ng van at truck sa La Union
PNP group in hot water after alleged irregular ops in Iloilo
Check out the Binibining Pilipinas queens' national costumes

Article Inside Page


Showbiz News

jillian ward


Jillian Ward sa preparasyon para sa upcoming concert: "Umaabot po ako ng mga four hours sa pag-rehearse, sa pagsayaw."

Puspusan na ang paghahanda ni Star of the New Gen Jillian Ward para sa kauna-unahan niyang solo concert na gaganapin sa New Frontier Theater sa July 31.

Sa interview kay Aubrey Carampel para sa 24 Oras, ibinahagi ni Jillian ang dedikasyon na makapagbigay ng all-out performance sa nalalapit na concert, kung saan hands-on siya sa kanyang production numbers.

"Yesterday lang po, nine hours po ako na nagre-rehearse sa pagkanta. Nire-review ko po lahat ng songs," sabi niya. "Umaabot po ako ng mga four hours sa pag-rehearse, sa pagsayaw. Then after that, nagjo-jogging pa po ako para ma-boost ko 'yung stamina ko."

Kabilang sa preparasyon ni Jillian ang training at pag-aalaga sa kanyang kalusugan.

"Sobra pong prinayoritize ko talaga 'yung fitness ko starting last year. So mga one and a half years na po ako na consistent talaga akong naggy-gym, consistent ako na nagda-dance classes. As in, sobra po akong mag-workout. Talagang naging lifestyle ko na po siya," pagbabahagi ng aktres.

Kamakailan ay ipinasilip ni Jillian ang kanyang sultry rehearsal video para sa upcoming concert, kung saan makikita siyang sumasayaw sa hit song ni Bruno Mars na "Versace on the Floor" kasama ang dalawang backup dancers.

A post shared by Jillian Ward (@jillian)

Samantala, ikinuwento rin ni Jillian na nae-enjoy niya ang pagiging Clash Panel sa The Clash Teens, na napapanood tuwing Linggo, 7:15 sa GMA.

"Nakikita ko kung gaano sila ka-talented, gaano sila ka-passionate. And I think mag-a-agree din po 'yung ibang mga judges na sa generation ngayon, ang pinaka bina-value nila is 'yung pagiging storyteller po nila."

Related gallery: Jillian Ward marks 21st birthday with stunning portraits