
Sobrang malapit na talaga sa isa't isa ang cast members ng award-winning medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Ang isa sa lead stars nito na si Jillian Ward tila mas dumami ang kaibigan sa show business mula nang magsimula ang serye.
Sa Instagram Stories, makikita ang dalawang magkahiwalay na post ni Jillian tungkol kina Jeff Moses at Raheel Bhyria, ang dalawa sa kanyang leading men.
Sa unang story, makikita na minamasahe ni Raheel ang isang kamay ni Jillian, habang si Jeff naman ay sinusuklay ang buhok ng dalaga.
Sulat ng Star of the New Gen sa kanyang caption, “Ang sweet ng leading men ko. Meet my masahista and my hairstylist.”
Makikita naman sa ikalawang story ni Jillian ang ilan pang larawan nila nina Jeff at Raheel.
Ang Sparkle actress ay napapanood sa Abot-Kamay Na Pangarap bilang ang pinakabatang doktor sa bansa na si Doc Analyn.
Si Jeff at Raheel naman ay kilala bilang mga binatang nagkakagusto kay Doc Analyn na sina Reagan at Harry.
Bukod kina Jeff at Raheel, leading man din ni Jillian sa serye ang aktor na si Ken Chan.
Patuloy na tumutok sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.
Maaari n'yo ring balikan ang iba pang episodes ng Abot Kamay Na Pangarap dito.