What's on TV

Jillian Ward, gaganap bilang batang nasaniban sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published October 26, 2023 3:05 PM PHT
Updated October 27, 2023 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jalen Brunson's winner propels Knicks past Pacers
Joint probe underway in death of ex-DPWH Usec. Cabral
Heart Evangelista advocates for pet adoption on her social media

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward for magpakailanman


Bibigyang-buhay ni Jillian Ward ang kuwento ng isang batang paulit-ulit na sinasaniban sa '#MPK.'

Bibida si Star of the New Gen Jillian Ward sa pre-Halloween episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Gaganap si Jillian bilang Julia, isang batang paulit ulit na sinasaniban sa episode na pinamagatang "Ang Batang Biktima ng Sanib."


Makakasama niya dito si Mickey Ferriols na gaganap bilang nanay niyang si Myrna, at Epy Quizon na gaganap naman bilang tatay niyang si Randy.

Isang mapagmahal na anak at consistent honor student si Julia kaya ikagugulat nina Myrna at Randy at biglang pagbabago niya.

Lagi siyang nakatitig sa puno sa kanilang eskuwelahan at magiging bayolente pa.

Alam ni Myrna na nasaniban ng masamang espiritu si Julia kaya lalapit sila ni Randy sa iba't ibang mga albularyo.

Maililigtas pa ba nina Myrna at Randy si Julia?

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:



Abangan ang pre-Halloween episode na "Ang Batang Biktima ng Sanib," October 28, 8:00 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.