GMA Logo Jillian Ward, Tara Laro
Courtesy: Mobile Legends: Bang Bang (FB), jillan (IG)
What's Hot

Jillian Ward, grateful for 'Tara Laro' MV's 5M views

By EJ Chua
Published March 28, 2024 1:36 PM PHT
Updated March 28, 2024 2:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Magnolia bounces back, beats all-Filipino San Miguel
Farm to Table: (April 12, 2026) LIVE
15 minors escape from rehab facility in Cebu; all rescued

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward, Tara Laro


May mahigit 5 million views na ang music video na pinagbidahan ng Star of the New Gen na si Jillian Ward!

Patuloy na bumubuhos ang papuring natatanggap ng Star of the New Gen na si Jillian Ward sa kanyang naging performance sa music video na “Tara Laro.”

Bukod dito, humahakot din ng napakaraming views ang naturang music video.

Ipinaabot ni Jillian ang kanyang pasasalamat sa viewers at netizens sa pamamagitan ng isang post sa Instagram Stories.

Kakabit ng isang screenshot ay ang mensahe ni Jillian para sa mga sumuporta sa kanya at sa lahat ng kasama rito.

Sulat ng Sparkle star, “5.4 million views for 'Tara Laro's' MV…Thank you po for all the love and support.”


Labis na ikinatuwa ng netizens ang pagkanta ni Jillian sa theme song ngayon ng Mobile Legends: Bangbang.

Bukod kay Jillian, tampok din sa music video ang social media stars na sina Sean Pangilinan at Price Adrian Dagdag.

Kasalukuyang napapanood ang Kapuso star bilang lead actress sa hit GMA medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.