GMA Logo Jillian Ward in My Ilonggo Girl
What's on TV

Jillian Ward, handa nang maging leading lady?

Published January 10, 2025 2:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward in My Ilonggo Girl


Jillian Ward, handa na bang magkaroon ng ka-loveteam?

Mukhang level up na nga ang roles ng Sparkle actress na si Jillian Ward kasabay ang kanyang bagong project.

Sa grand media conference ng My Ilonggo Girl, naitanong kay Jillian Ward kung handa na ba ito magkaroon ng ka-loveteam.

"Ako po kasi tingin ko sa 15 years ko na rin sa industriya, I think it's time na rin talaga na magkaroon ako ng leading man talaga. Ma-explore ko po yung kumbaga pagiging leading lady," sagot ng aktres.

Banggit ni Jillian Ward na nagulat rin siya na mayroon siyang asawa sa My Ilonggo Girl.

Ngunit, dagdag ng aktres na excited siya na mag-grow sa kanyang acting dahil ito ang mga na-eenjoy niyang experience.

Sabi ni Jillian, "Kung anuman po yung ibibigay sa akin ng GMA, I will do my best kasi sobrang grateful ko po sa GMA at Sparkle sa mga binibigay nila sa akin."

Hindi raw sisirain ng aktres ang tiwala na ibinigay sa kanya, kaya naman ay patuloy niyang gagalingan sa mga projects niya.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Mapapanood na si Jillian Ward kasama si Michael Sager sa My Ilonggo Girl, simula sa January 13 sa oras na 9:35 p.m. sa GMA Prime.

Tingnan dito ang tambalan nina Jillian Ward at Michael Sager: