GMA Logo Jillian Ward, LA Madridejos in Abot Kamay Na Pangarap
Courtesy: akosila (IG)
What's on TV

Jillian Ward has sweet greetings for 'Abot-Kamay Na Pangarap' director LA Madridejos

By EJ Chua
Published April 16, 2024 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mark Lee to leave NCT and SM Entertainment
8 in 10 Filipinos choose domestic travel for Holy Week 2026
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward, LA Madridejos in Abot Kamay Na Pangarap


Maligayang kaarawan sa direktor ng hit series na 'Abot-Kamay Na Pangarap,' Direk LA Madridejos!

Isa ang Filipino direktor na si Direk LA Madridejos sa mga taong nasa likod ng matagumpay na serye na Abot-Kamay Na Pangarap.

Kamakailan lang, nagdiwang si Direk LA ng kanyang kaarawan.

Kaugnay nito nakatanggap siya ng pagbati mula sa Sparkle star na si Jillian Ward, isa sa lead stars na napapanood sa hit afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa Instagram Stories, isang larawan ang ibinahagi ni Jillian, kung saan makikitang magkasama sila ni Direk LA.

Kakabit ng larawan ay ang birthday message ng tinaguriang Star of the New Gen para sa direktor.

Sabi niya, “Happy birthday to my all time favorite director! It's such a blessing na makilala at makatrabaho po kita. #WalaSiAnalynKungWalaSiLordAlvin.”

Dagdag pa ni Jillian, “Not only are you my favorite director, you are also a friend that I would treasure forever. Mahal po kita direk @akosila.”

Samantala, napapanood ang young actress sa serye bilang si Doc Analyn Santos, ang pinakabatang doktor sa bansa.


Related Content: Captured moments on the set of 'Abot-Kamay Na Pangarap'


Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye sa page ng programa.