
Nasubok ang acting skills ng Sparkle actress na si Jillian Ward sa pagganap niya sa dula role na Venice at ang doppelganger nito na si Tata sa much-awaited GMA Prime series na My Ilonggo Girl.
Sa panayam kay Jillian sa Unang Hirit, talagang iba ang challenge sa tuwing sasabak siya sa taping ng My Ilonggo Girl. Matatandaan na huling napanood sa isang drama series si Jill sa high-rating daytime drama na Abot-Kamay na Pangarap.
Lahad i Jillian sa interview nina Suzi Entrata-Abrera at Kaloy Tingcungco, “Siyempre po naging challenging siya for me lalo na po kailangan mabilis magpalit during takes. Like ika-cut po nila, 'tapos sasabihin, 'Palit na agad. Palit ka na ng damit'. 'Tapos change na po sa next character, so ganun po.”
Umamin din ang Star of New Gen sa Unang Hirit hosts na hindi biro mag-shift ng character between Venice and Tata.
“Medyo nahihirapan po ako lalo, last taping, kasi po 'yung isa maldita siya laging galit ganiyan.” sabi ni Jillian.
“E, kasi po in real life hindi po ako marunong magalit. 'Pag nagagalit po ako, iiyak lang ako or tumatahimik ako. Challenging sa akin na kailangan, biglang suplada. 'Tapos 'yung isa kong role super bubbly naman.”
Makakasama ni Jill sa My Ilonggo Girl bilang leading man niya ang Sparkada member na si Michael Sager. Parte rin ng star-studded casts sina Teresa Loyzaga, Arlene Muhlach, Andreal del Rosario at Richard Quan.
Bibida rin sa My Ilonggo Girl sina Arra San Agustin, Yasser Marta, Matt Lozano, Empoy Marquez, Geo Mhanna, Vince Maristela, Lianne Valentin, Patricia Ismael, Yesh Burce, Sabreenika Santos, at veteran actress Ms. Carla Martinez.
RELATED CONTENT: Michael Sager, binigyan ng sorpresa si Jillian Ward sa media conference