GMA Logo Jillian Ward
What's on TV

Jillian Ward, ibinahagi kung anu-ano ang dapat abangan sa all-new episodes ng 'Prima Donnas'

By Aaron Brennt Eusebio
Published November 5, 2020 5:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TikTok star Nurse John among Forbes Top 50 Creators for 2026
Magnitude 4.9 quake jolts waters off Davao Occidental
Alex Eala, Venus Williams advance to Bad Homburg Open doubles quarterfinals

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Simula November 9 ay mapapanood na ang all-new episodes ng 'Prima Donnas' sa GMA Afternoon Prime! Ano kaya ang mga eksenang kaabang-abang?

Sino ba 'yung mga magulang ni Mayi (Jillian Ward)? Ano ang mangyayari sa mga Donnas? Matutuloy ba ang kasal nina Jaime (Wendell Ramos) at Kendra (Aiko Melendez)? Magiging Claveria na ba si Brianna (Elijah Alejo)?

Ilan lang 'yan sa mga pasabog na hindi niyo dapat palampasin sa pagsisimula ng all-new episodes ng Prima Donnas sa November 9.

Pansamantalang natigil ang produksyon ng Prima Donnas noong March 2020 dahil sa idineklarang enhanced community quarantine ng gobyerno upang labanan ang pagkalat ng COVID-19.

Nang luwagan ang community quarantine restrictions, sumabak kaagad ang buong cast at production crew ng show noong magkaroon sila ng 21-day 'lock-in taping' sa Antipolo, Rizal.

"May teamwork po kami, mas may effort, ang dami pong mangyayari," kuwento ni Jillian Ward kay Cata Tibayan. Ginagampanan ni Jillian ang panganay sa tatlong Donnas na si Donna Marie.

"Sino po ba 'yung magulang ni Mayi? Anong mangyayari sa kanilang mga Donnas? Matutuloy po ba 'yung kasal? At abangan nila kung magiging Claveria na po ba talaga si Brianna at si Kendra."

Dahil limitado lang ang naging kasama nila sa set, kinuwento ni Vince Crisostomo, na gumaganap bilang Cedric, na naging extra na nila sa show ang ilang make-up artists at production crew ng kanilang show.

Pag-amin niya, "Halos lahat po talaga kami may ginagawa for taping mismo.

"For example, 'yung mga make-up artists, 'yung mga PAs, sila po ang nagiging extra sa set kaya tulungan kaming lahat."

Sa "new normal," naging extra na ng programa ang ilang production crew tulad ng production assistant na si Ynah Dizon (una mula sa kaliwa) at ang executive producer ng show na si Ysai Hilario (ikalawa mula sa kaliwa). / Source: erwyn08 (IG)

Mapapanood ang all-new episodes ng Prima Donnas, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 na Utos.