GMA Logo jillian ward
Source: jillian (IG)
What's on TV

Jillian Ward, inspired sa kanyang love life ang 'Lowkey' single

By Kristian Eric Javier
Published November 5, 2026 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice
Chika Cart: Sugar Mercado, binalikan ang tagumpay sa Mrs. Universe Official 2025
Balletcore meets sportswear

Article Inside Page


Showbiz News

jillian ward


Ayon kay Jillian Ward, aprubado ng pamilya ang kanyang "special someone."

In love ngayon ang Star of the New Gen na si Jillian Ward!

Sa katunayan, ang bagong release niyang kanta na may titulong “Lowkey” ay hango raw sa kaniyang buhay pag-ibig ngayong nasa 20s na siya.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, November 4, ibinahagi ni Jillian na dati pa niya talagang gustong magsulat ng kanta at na-realize niyang sayang naman kung hindi niya magagawa.

“Gusto ko po, parang ma-capture ko 'yung 20s ko sa isang song. Kasi kumbaga, yun po yung story ng aking love life ngayon. Gusto ko po na 'pag 30s na 'ko, may mabalikan ako na ginawa ko yung song na yun, 'tapos maalala ko 'yung memories ko as a 21-year-old,” sabi ni Jillian.

Kaugnay nito, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung si Born to Shine star Kobie Brown ang tinutukoy ni Jillian na “love life” niya ngayon.

Sagot ng aktres, “Ay naku, si Tito Boy. Basta, kahit anong names ang ibigay mo, wala akong ibibigay sa inyo na name.”

Ngunit nang tanungin siya ng batikang host kung siya ba ay in love, sabi ni Jillian, “Yes, Tito Boy.”

Paglalarawan ni Jillian sa kaniyang special someone, “Super caring and hindi siya takot na i-express 'yung appreciation niya sa akin whether sa friends niya yun or sa family niya or sa mga iba't ibang tao na nakakasalamuha niya. And I will not give you any more information, baka mamaya po mahulaan n'yo na.”

BALIKAN ANG CLUES NA IBINAHAGI NI JILLIAN TUNGKOL SA KANIYANG "MYSTERY MAN" SA GALLERY NA ITO:

Ayon pa ni Jillian, gusto rin ng kaniyang mga magulang ang kaniyang special someone, at sinabi niyang importante sa kaniya ang green light ng kaniyang pamilya.

“Ako po talaga, kapag hindi ako binigyan ng green light nina Mama at Papa or kahit po ng mga kapatid ko, hindi ko ie-entertain yung isang guy kasi sobrang importante sa 'kin na ligawan niya muna yung family ko bago ako. That's what he did,” sabi ni Jillian.

Ang masasabi lang umano ng aktres ngayon, inspired siya sa kaniyang bagong lovelife at sa mga bagong natutunan sa buhay. Isa na nga dito ay ang pagbabalanse ng buhay niya sa trabaho, sa pamilya, at sa mga kaibigan.

Pagbabahagi ng aktres, “Alam n'yo po, fun fact, like lumalabas po talaga ako, minsan nag-ga-Grab ako, Tito Boy na naka-disguise kasi wala, gusto ko lang po talaga ma-experience lahat. Gusto ko makalabas ako, pumupunta ako ng mga malls, 'tapos, nagdi-disguise po ako.”

Ngunit sa kabila ng disguise, nakikilala pa rin umano siya ng mga tao at sinabing masaya siya na nakakakilala siya ng mga bagong kaibigan sa kaniyang paglabas-labas.