
Mas kaabang-abang na Jillian Ward ang makikita ng mga viewers sa Bagong Taon sa pagganap ng Star of the New Gen sa kilig serye na My Ilonggo Girl.
Ngayong 2025, hatid ng GMA Prime Originals ang romcom series kung saan iikot ang kuwento sa isang famous actress at influencer na si Venice (Jillian Ward) at ang beautiful Ilongga na doppleganger niya na si Tata (Jillian Ward).
Sa GMA Public Affairs series, ipapakita ni Jillian ang “lakas” niya bilang isang bankable actress sa pagganap niya sa dual role for the first-time.
Sabi niya sa kanyang interview sa Fast Talk with Boy Abunda, challenging ang pagganap niya sa dalawa niyang characters sa GMA Prime series.
“Ito naman po, sa 'kin mas mahirap siya kasi dalawa po 'yung characters. Lalo na po 'yung isa, maldita po siya.”
Ipapaalala rin ni Jillian sa pag-portray niya bilang Tata ang halaga ng pamilya lalo na at “buong puso” ang pagmamahal ng bida nating Ilongga sa kaniyang "Nay Gwapa" na si Shirley.
Idagdag mo pa ang kilig moments ni Jillian kasama ang kaniyang leading man na si Michael Sager na gaganap bilang heartthrob heir na si Francis!
Kaya para sa mas pinalakas at punong-puno na puso na viewing experience sa primetime, tumutok sa unang kilig serye ng 2025 na My Ilonggo Girl, mapapanood na simula January 13 sa oras na 9:35 pm.
RELATED CONTENT: SHOWBIZ TRIVIA ABOUT JILLIAN WARD AND MICHAEL SAGER
MICHAEL SAGER'S JAW-DROPPING LOOKS