
Kitang-kita ang pinaghirapang figure ni Star of the New Gen Jillian Ward sa ilang sets ng pictures na ibinahagi niya sa kanyang social media accounts.
Jogging at dancing daw ang naging sikreto ng fit body ng aktres kaya proud siyang i-flaunt ito.
Bukod doon, paraan daw niya ito ng self-expression.
"Gusto ko kasi siyang maging way na ma-express ko 'yung sarili ko na, 'Hey guys, 21 na 'ko.' Kasi po, 'yung mga tao minsan, iniisip nila 17 pa lang ako. So ngayon gusto kong ipakita na this is how I feel, this is me, this is how I want to express myself," paliwanag ni Jillian.
Samantala, muling pumirma si Jillian ng management contract sa Sparkle GMA Artist Center.
"This is only the beginning. Gusto ko po talagang ma-master pa po 'yung craft ko, especially this year, sa singing, dancing, acting, performing. Talagang gusto ko pa pong mapakita 'yung side kong 'yun and of course magkakaroon pa po ng mas challenging na mga roles," lahad niya
SILIPIN ANG CONTRACT SIGNING NI JILLIAN WARD DITO:
Abangan si Jillian Ward sa action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Panoorin din ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.