What's Hot

Jillian Ward, ipinangako ang reveal ng kanyang 'mystery guy'

By Marah Ruiz
Published January 27, 2026 2:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Suspect who mauled, robbed Japanese man in Parañaque arrested — SPD
LRT-2 offers free rides to WTA attendees, officials
Malaysian, ex-SK chairman nabbed in Tawi-Tawi drug sting

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Ipinangako ni Jillian Ward na ipapakilala niya ang kanyang "mystery guy" sa tamang panahon.

Marami ang naintriga isa isang TikTok video ni Star of the New Gen Jillian Ward.

Makikita kasi dito si Jillian na sumasayaw habang may lalaki sa likod niya na nagpe-flex ng kanyang mga braso.

Natatakpan ni Jillian ang mukha ng "mystery guy" at tanging mga braso lang nito ang nakikita sa video.

Tikom ang bibig ni Jillian tungkol sa katauhan ng lalaki pero nagbigay naman siya ng clue tungkol dito.

"Kaya nga mystery, [mag]bibigay ako ng isang clue. Kasi may mga comments na sabi nila, akala nila hindi matangkad 'yung nasa likod. Pero kasi ang clue doon, naka [yuko] siya para hindi kita 'yung mukha niya. Matangkad po 'yung taong 'yun," paglalarawan ng aktres sa kanyang mystery guy.

Hiniling din niya na bigyan pa siya ng kaunting oras na sarilinin muna ang identity ng taong ito.

"Hayaan niyo naman akong kiligin. Magte-21 na ako!" pahayag niya.

Nangako naman siya na ipapakilala niya ito sa tamang panahon.

"Ganito na lang, soon siguro. Isu-shoot ko ulit 'yung video na 'yun pero may reveal. Abangan n'yo na lang 'yan," aniya.

Hula ng mga netizen na maaaring si Eman Bacosa Pacquiao ang mystery guy pero itinanggi na ito ng amateur boxer sa comments section ng post ni Jillian.

Maaari ring isa ito sa mga lalaking co-stars ni Jillian sa upcoming action-drama series na Never Say Die.

Matatangkad at toned ang mga braso ng mga leading men niyang sina David Licauco, Raheel Bhyria, at Kim Ji Soo. Madalas ding magsama-sama ang grupo sa mga behind-the-scenes videos na ibinabahagi nila sa TikTok.

Binisita ni Jillian kamakailan ang billboard ng kanilang programa sa GMA Network Center.

"It's such an honor po na ilagay 'yung show namin sa pinakamalaking billboard ng GMA. Sa totoo lang po, masaya 'ko pero mas nakakadagdag ng pressure, which is a good thing din naman po," pahayag niya.

Aminado ang aktres na nahirapan siya sa physical demands ng serye.

"First time ko kasi din naman po talaga mag-action. Hindi ko sasabihin na madali po 'yung journey ko dito sa show na 'to. Dahil first time ko nga mag-action, tapos primetime pa siya so mas nakakadagdag po ng kaba. Pero more than that, ine-enjoy ko kasi 'yung taping days namin," bahagi ni Jillian.

Ang Never Say Die ay kuwento paghahanap ng hustisya at katotohanan ng isang vlogger at ng isang investigative journalist.

Magkasalungat man ang kanilang mga pananaw, mapipilitan silang magtulungan para mapabagsak ang isang malaking drug syndicate.

Bukod kina Jillian, David, Raheel, at Ji Soo, kabilang din sa all-star cast ng serye sina Richard Yap, Analyn Barro, Raymart Santiago, Angelu de Leon, Wendell Ramos, Ayen Munji-Laurel, Jonathan Villoso, at Ms. Gina Alajar.

Abangan ang upcoming action-drama series Never Say Die, simula February 2, 8:55 p.m. sa GMA Prime.

May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din online sa Kapuso Stream.

Samantala, panoorin ang buong panayam ni Aubrey Carampel kay Jillian Ward para sa 24 Oras sa video sa itaas.