
Mariing itinanggi ni Star of the New Gen Jillian Ward na kilala o may koneksyon siya sa dating Ilocos Sur Governor na si Chavit Singson. Diin ng aktres, hindi pa niya kailanman nakilala ito ng personal.
“Never ko po siyang nakilala, never ko po siyang na-meet, never ko siyang nakausap, never po kaming nagkita. So hindi ko talaga alam kung paano po nila nagawa-gawa lahat ng ito kasi never ko po talaga siyang na-meet, never ko po siyang nakausap,” sabi ni Jillian sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, October 21.
Itinanggi rin ng Kapuso star ang mga alegasyon na nag-sponsor si Chavit sa kaniyang 18th birthday. HIndi rin umano totoo na ninong ito ng isa sa kaniyang mga kapatid dahil hindi naman nila kilala ang dating Ilocos Sur Governor.
“Hindi po talaga totoo. I never met him, never po kaming nagkausap, I've never met him. Hindi ko nga po alam kung kilala niya po ako, e. Hindi po talaga kami magkakilala,” sabi ni Jillian.
Dagdag pa ng aktres, kung talagang merong CCTV footage gaya ng sinasabi ng netizens ay ilabas nila ito, ngunit hiniling na 'wag sana gawa sa artificial intelligence o AI ang ilalabas nilang “ebidensya.”
Pag-amin ni Jillian, hindi rin niya alam kung bakit may mga ganitong kumakalat na balita tungkol sa kaniya.
“Ewan ko po ba, Tito Boy. Parang every week na lang po may fake news about me,” ani Jillian.
TINGNAN ANG STUNNING, YOUNG ADULT ERA NI JILLIAN SA GALLERY NA ITO:
Saad pa ng aktres, nag-iisip na siya at ang GMA Network na gumawa ng legal na aksyon para dito, lalo na at cyber libel na ang ginagawa sa kaniya.
“Gusto ko po talaga, napag-uusapan na rin po namin ng GMA 'yun kasi it's too much. Especially po it started nga po nu'ng minor po ako, it's sobra na rin po talaga, especially po itong nagre-resurface na ginagawa po nilang issue,” sabi ng aktres.
Unang pumutok ang mga haka-haka na ito nang lumabas ang isang blind item online na meron umanong “special relationship” sina Jillian at Chavit.
Sa isang press conference ay nauna nang itinanggi ni Chavit ang relasyon umano nila ng Sparkle star.
Panoorin ang panayam kay Jillian dito: