
Nasorpresa ang aktres na si Jillian Ward nang malaman niyang magiging guest star siya sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles.
Ayon kay Jillian, sa Mga Batang Riles siya unang mapapanood gumawa ng maaaksyong eksena kasama sina Kidlat (Miguel Tanfelix), Kulot (Kokoy de Santos), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Anton Vinzon).
"It's something different. Siyempre, ang gagaling ng mga kasama ko, for sure ang dami kong matututunan," saad ni Jillian sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.
"Sa role kong ito, gusto ko ma-experience, gusto ko mag-try ng something new sa style. Isa na akong Batang Riles!"
Hindi naman maitago ni Miguel, Kokoy, Raheel, at Anton ang excitement na makatrabaho si Jillian sa Mga Batang Riles.
Saad ni Miguel, "I'm excited to work with her dahil sobrang tagal na namin magkakilala, sabay kaming lumaki sa showbiz pero ngayon pa lang kami magkakatrabaho."
Dagdag ni Kokoy, "Excited akong may matutunan kay Jillian, at sana may matutunan rin siya sa amin."
Pag-amin ni Anton, "Overwhelemed ako sa nangyayari ngayon sa Mga Batang Riles."
Pagtatapos ni Raheel, "Naglu-look forward ulit kasi na-miss ko rin 'yung mga eksena namin sa Abot-Kamay Na Pangarap."
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras:
Panoorin ang Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime, dahil nasa riles ang tunay na aksyon! Mapapanood rin ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.