
Maraming aabangan sa Star of the New Gen na si Jillian Ward!
Isa na riyan ang kanyang kauna-unahang solo concert na gaganapin sa New Frontier Theater sa July 31.
"May concert po ako this July 31 sa New Frontier Theater," sabi ni Jillian sa interview kay Athena Imperial ng 24 Oras.
Dagdag pa ng aktres, dapat ding abangan ng fans ang kanyang shows.
Ayon kay Jillian, ngayong 21 na siya ay mas marami pa siyang gustong i-explore at subukan.
"Gusto ko iba-iba 'yung ginagawa ko. Gusto ko po talaga na mas lumawak pa po kumbaga 'yung experience ko sa industry," sabi niya.
Kasalukuyang kabilang si Jillian sa mga judge ng GMA singing competition na The Clash Teens, kasama sina Christian Bautista at JL Toreliza. Napapanood din siya sa musical variety show na All-Out Sundays.
Noong Marso, napakinggan ang bagong pop song niyang "Pumapag-ibig."