
Masaya si Star of the New Gen Jillian Ward na bumalik sa trabaho matapos ang year-end holidays.
Refreshed si Jillian at ready na muli para sa taping ng kanyang upcoming series na Never Say Die.
"Nakapagbakasyon ako ng saglit. I'm very happy kasi I spent the holidays with my family," kuwento ng aktres.
Kahit hindi nagkita-kita ang cast dahil sa kanilang bakasyon noong Pasko at Bagong Taon, patuloy namang tumitibay ang working relationship nila.
"I think naging mas close na rin kami ng mga cast. Mas may chemistry na rin 'yung mga characters naming lahat. Kapag nasa eksena kami, mas nafi-feel na po talaga namin 'yung mga characters namin," bahagi ni Jillian.
Hindi rin itinigil ni Jillian ang mga training niya para sa kanyang role tulad ng martial arts at gun handling.
"Gusto ko lang nafi-feel na parang nasa loob ako ng isang anime world at isa akong action star," paliwanag ni Jillian.
Excited na rin daw siya na mapanood ng mga Kapuso ang Never Say Die dahil napapanahon daw ang tema ng serye.
"Hindi lang siya basta action, mayroon siyang purpose, mayroon siyang meaning. Action siya na show with a purpose," aniya.
Image Source: jillian (Instagram)
Makakasama ni Jillian sa Never Say Die si Pambansang Ginoo David Licauco.
Malaki at all star-cast nito kabilang sina Richard Yap, Kim Ji-soo, Raheel Bhyria, at Analyn Barro.
Bahagi rin nito sina Raymart Santiago, Angelu de Leon, Wendell Ramos, Ayen Munji-Laurel, Jonathan Villoso, at Ms. Gina Alajar.
Panoorin ang buong panayam ni Aubrey Carampel kay Jillian Ward para sa 24 Oras sa video sa itaas.
RELATED GALLERY: Jillian Ward and David Licauco to star in action-drama series