GMA Logo Jillian Ward
PHOTO COURTESY: GMA Drama (Facebook)
What's on TV

Jillian Ward, masaya sa kanyang experience sa 'Hating Kapatid'

By Dianne Mariano
Published December 12, 2025 10:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Indian family of alleged Bondi gunman didn't know of 'radical mindset', Indian police say
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Ayon kay Sparkle actress Jillian Ward, na-miss niyang umarte bilang ang dating karakter niyang si Dra. Analyn.

Napapanood ang Sparkle actress na si Jillian Ward bilang Dra. Analyn Santos sa GMA Afternoon Prime series na Hating Kapatid, na pinagbibidahan ng Legaspi family.

Ang naturang karakter ni Jillian ay mula sa medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa online exclusive video ng GMA Network, ibinahagi ng Star of the New Gen na masaya ang kanyang experience sa taping ng Hating Kapatid.

"Alam n'yo po weirdly, iniisip ko lang si Dra. Analyn parang three days before ko makuha po 'yung message na gusto n'yo po ako mag-guest as Analyn.

"Sobrang na-miss ko rin kasi si Analyn tapos siyempre nakita ko pa si Nanay Lyneth, tapos naka-eksena ko pa si Mavy na kapatid ko na talaga siya kasi nanay ko si Nay Mina [Carmina Villarroel], wala siyang choice, charot," pagbabahagi niya.

Ayon pa kay Jillian, hindi siya nahirapan na bumalik sa kanyang dating ginampanan na karakter.

Aniya, "Parang second nature na rin po siya sa akin. And lately kasi sobrang nami-miss ko po siya. So sobrang sakto talaga, sabi ko, 'Gusto ko ulit umarte as Dra. Analyn.' Tapos sakto talaga."

Panoorin ang buong online exclusive video ni Jillian Ward sa ibaba.

Subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.