GMA Logo Jillian Ward and Eman Bacosa Pacquiao
Photo source: 24 Oras, Mark Joseph F. Carreon
What's Hot

Jillian Ward, may mensahe kay Eman Bacosa Pacquiao

By Karen Juliane Crucillo
Published November 21, 2025 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Eman Bacosa Pacquiao


Jillian Ward kay Eman Bacosa Pacquiao: “I hope to see you soon din.”

Simulang kinakiligan ng fans nang ibunyag ni Eman Bacosa Pacquiao sa Fast Talk With Boy Abunda na crush niya ang Sparkle artist na si Jillian Ward.

Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong Huwebes, November 20, nagbigay ng mensahe si Jillian tungkol sa pagkaka-link niya sa young boxer at bagong Sparkle artist.

Ikinuwento ni Jillian na una niyang napansin si Eman sa kanyang Instagram.

“Nakita ko po siya sa Instagram ko na nagla-like siya, so na-a-appreciate ko naman. Finalow niya po ako. Finalow niya po muna ako tapos ayon fanolow back ko,” sabi ng aktres.

Inamin din ni Jillian na napapanood na niya si Eman sa social media kaya pamilyar na siya sa young boxer.

“Napapanood ko din po 'yung mga TikToks tungkol sa kanya na he's very Godly, he's very nice,” pahayag niya.

Nagbigay rin ng mainit na suporta si Jillian kay Eman sa pagpasok nito sa showbiz, matapos siyang opisyal na pumirma sa Sparkle noong Miyerkules, November 19.

“Welcome to Sparkle. Welcome to GMA, and I pray na hindi ka magbago. I pray po na he stays true to himself, very Godly and may God bless him always, and sabi niya sana magkita kami soon, so ayon, I hope to see you soon din,” aniya.

Si Eman ang anak ng Filipino boxing legend na si Manny Pacquiao at ni Joanna Rose Bacosa. Nag-trending si Eman matapos ang kanyang laban sa "Thrilla in Manila 2" noong October 29.

Samantala, lalabas si Jillian sa upcoming horror film na KMJS' Gabi ng Lagim The Movie, na ipapalabas na sa November 26.

Panoorin ang buong panayam ni JIllian Ward dito:


Balikan dito ang panayam ni Eman Bacosa Pacquiao sa Fast Talk With Boy Abunda: