
Tagumpay si Sparkle boxer Eman Bacosa Pacquiao sa pagsabak niya sa isang boxing match kamakailan.
Nagtapos sa isang technical knockout victory ang laban niya laban sa Indonesian boxer na si Reynold Kundimang sa Kumong Bol-Anon XXIV noong February 28 sa Tagbilaran City sa Bohol.
Ilang buwan din daw ang naging training ni Eman para sa laban.
"Hard training po, 'tapos maraming sparring, mga footwork, improve sa precision punch, ganoon," paglalarawan ng boksingero sa naging paghahanda niya.
Tila panalo rin si Eman sa labas ng boxing ring dahil dumayo pa si Star of the New Gen Jillian Ward para panoorin ang laban niya.
Suot pa ng aktres ang team gear ni Eman at nakaupo kasama ang nanay niyang si Joanna Bacosa at ibang miyembro ng pamilya niya.
"Inspired din po ako dahil sa inyong lahat, at lalong lalo na kay Jillian po," lahad ni Eman matapos ang boxing match.
Bukod dito, niyakap din niya ang aktres pagbaba niya mula sa ring.
Samantala, bumibida si Jillian Ward sa bagong GMA Prime action-drama series na Never Say Die kasama sina Pambansang Ginoo David Licauco, Raheel Bhyria, Kim Ji Soo at marami pang iba.
Panoorin ito mula Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Panoorin ang buong ulat ni Athena Imperial para sa 24 Oras sa video sa itaas.