GMA Logo Jillian Ward
What's on TV

Jillian Ward, minsan nang napaisip na pasukin ang medical industry

By EJ Chua
Published August 8, 2023 12:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Ano kaya ang kursong balak kunin ngayon ng #AbotKamayNaPangarap actress na si Jillian Ward? Alamin DITO:

Sa one-on-one interview ng Kapuso Mo, Jessica Soho host na si Jessica Soho sa Abot-Kamay Na Pangarap lead star na si Jillian Ward, ibinahagi niya ang tungkol sa kanyang pag-aaral.

Naikuwento ni Jillian kay Jessica na dumating na raw sa punto na naisipan niyang pasukin ang medical field.

Pagbabahagi ng Sparkle star, "Ngayon po, naiisip ko na po siya kasi sabi po sa amin ng consultant po namin na doktor. Pupuwede raw po akong mag-aral ng med kasi raw po 'yung memorization ko raw po bagay daw po sa field nila.”

Bukod dito, inilahad din ni Jillian kung ano ang balak niyang kuhanin na kurso sa kanyang college life.

Pagbabahagi niya, “Pero ako po kasi gusto ko po talagang i-pursue law kapag may time na po. Pero ngayon ang course na kukunin ko is business.”

Samantala, kahit abala sa taping para sa hit GMA medical drama series, hindi niya napabayaan ang kanyang pag-aaral.

Kamakailan lang, nakatapagtapos sa senior high school si Jillian at nasungit pa niya ang highest honor.

Abangan pa ang mga susunod na tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: