
Naikuwento ng teen star na si Jillian Ward na isa siyang BTS Army, o fan ng Korean boy band na BTS.
Sa behind-the-scenes ng iBilib kasama si Roadfill Obeso, Chris Tiu at Kyline Alcantara ay ibinahagi ni Jillian ang kaniyang pagkahilig sa BTS at kung paano siya tinanggap ng ibang BTS Army o fans.
Tanong ni Rodfil kay Jillian, “Ano ba ang ibig sabihin ng BTS na Korean boy band?”
Sagot ni Jillian, “Ang ibig sabihin po nun is Bangtan Boys.”
Kuwento rin ni Jillian na dati ay tinatago niya pa ang pagiging BTS fan pero naging mainit ang pagtanggap sa kaniya ng fandom ng BTS. “Basta po ‘yung mga Army mababait naman po ‘yun. Nung nag-come out po ako as Army, kasi silent Army po ako, sobrang dami po talagang nag-welcome sa akin.”
Panoorin ang kulitan moments nina Roadfill at Jillian, pati na rin ang mga knock-knock jokes ni Kyline Alcantara sa behind-the-scenes ng iBilib: