
Sumailalim sa iba't ibang training si Star of the New Gen Jillian Ward para paghandaan ang upcoming action-drama series niyang Never Say Die.
Kabilang dito ang pagsasanay sa gun firing na nagsimula niyang makahiligan ilang taon na ang nakalilipas.
"Noong 2024 po, na-try ko na pong mag-firing. I am happy na nagagamit ko din po siya sa pagiging artista ko," kuwento ni Jillian.
Bukod dito, ilang buwan din siyang nag-training sa martial arts.
"Nakapag-dalawang martial arts class po ako tapos isa pong taekwondo class. Natutunan ko po 'yung basics--paano 'yung form, paano talaga sumipa nang may power, kung ano 'yung tamang tindig," bahagi ng aktres.
Source: jillian (IG)
Gaganap si Jillian sa serye bilang anak ng pulis na makikipag-team up sa isang investigative journalist para pabagsakin ang malaking sindikato.
Makakasama niya dito si Pambasang Ginoo David Licauco.
Kabilang sa malaki at all-star cast sina Richard Yap, Kim Ji-soo, Analyn Barro, at Raheel Bhyria.
Bahagi rin nito sina Raymart Santiago, Angelu de Leon, Wendell Ramos, Ayen Munji-Laurel, Jonathan Villoso, at Ms. Gina Alajar.
Panoorin ang buong panayam ni Nelson Canlas kay Jillian Ward sa para sa 24 Oras sa video sa itaas.