
Isa si Star of the New Gen Jillian Ward sa mga nagpaabot ng suporta kay Eman Bacosa Pacquiao para sa nalalapit nitong laban.
Sa media conference ng kaniyang concert noong Biyernes, November 27, nagpaabot ng good luck message ang Kapuso star sa young Filipino boxer na nakatakdang lumaban sa The Maramag Slugfest.
Ibinahagi rin ni Jillian na ikatutuwa niya kung sakaling makadalo si Eman sa kaniyang first-ever solo concert na gaganapin sa December 8 sa New Frontier Theater sa Quezon City.
“Well, I hope kaso po, parang may fight si Eman ngayon e,” sabi niya nang tanungin kung makakadalo si Eman sa kaniyang concert.
“Although, nakapag-message po kami, one [or] two months ago. Tapos ayun, parang busy po siya sa kaniyang fight. This month yata. So, good luck, Eman,” saad niya.
Bagama't pareho silang abala sa kani-kanilang paghahanda, masaya raw si Jillian kung masusorpresa siyang muli ni Eman sa kaniyang concert.
“So, parang pareho po kaming ano, pareho kaming may pinaghahandaan. Tingnan natin. Baka naman i-surprise niya ako. Kasi last time, sinurprise niya rin po ako nung premiere po ng movie namin, so why not,” pahayag ng aktres.
Nilinaw naman ni Jillian na wala namang magagalit o magseselos sakaling muli siyang sorpresahin ni Eman sa kaniyang concert.
“Wala naman po siguro. Nakakausap ko po si Eman. Sobrang bait niya po talaga,” aniya.
Nagsimulang kiligin ang fans kina Jillian at Eman nang surpresahin ng young boxer ang aktres sa premiere night ng KMJS: Gabi ng Lagim The Movie. Ibinahagi rin ni Eman sa kaniyang panayam noon sa Fast Talk With Boy Abunda na celebrity crush niya si Jillian.
RELATED GALLERY: Meet Eman Bacosa Pacquiao, a rising boxing champ