GMA Logo Jillian Ward
Source: It’s Showtime
What's on TV

Jillian Ward, naghatid ng saya at sorpresang announcement sa 'It's Showtime'

By Mark Joseph F. Carreon
Published September 4, 2026 2:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EXPLAINER: What's happened to al Qaeda in the 25 years since 9/11?
Babae, Patay Human Mabangga ang Gisakyang Motor sa Sidecar sa Mixer Truck | Balitang Bisdak
Authentic Japanese food, MAY PINOY TWIST! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


May isang special announcement si Jillian Ward sa kaniyang pagbisita sa studio ng It's Showtime!

Nakisaya ang Star of the New Gen na si Jillian Ward sa noontime variety show na It's Showtime nitong Biyernes, September 4.

Matapos bumati sa puno ng energy na “madlang people,” agad tinanong ng host ng show na si Darren Espanto ang aktres kung ano ang emosyong maglalarawan sa bungad ng buwan ng Setyembre gamit ang mga emosyon sa TikTok trend na “4 Signs Challenge.”

“So far, happy and excited ako! Kailangan lagi lang happy,” masiglang sagot ni Jillian.

Ibinahagi ng Kapuso actress na umaapaw ang kasiyahan niya dahil sa tuloy-tuloy na biyayang natatanggap sa career at sa pamilya.

“Well, siyempre po, I feel so blessed kasi ang daming work tapos happy ako with my family, tapos nandito ako sa It's Showtime,” aniya.

Matapos ito, agad naman siyang binigyan ng pagkakataon upang imbitahan ang mga manonood na subaybayan ang pagtatapos ng reality competition na The Clash Teens sa darating na Linggo, Setyembre 6.

“Ako po ang ipinadala ng The Clash; sa ngalan po ng co-judges ko na sina Mr. Christian Bautista and BGYO JL, and Clash Masters Julie Anne San Jose and Sir Rayver Cruz, iniimbitahan po namin na panoorin ang grand finals ng The Clash Teens,” pag-iimbita ni Jillian.

Bukod sa kaniyang programa sa telebisyon, nag-imbita rin si Jillian sa kaniyang nalalapit na kauna-unahang concert sa Disyembre.

“Siyempre ise-segue ko na po, iniimbitahan ko po kayo sa aking first-ever concert. This December 8 po 'yan sa New Frontier Theatre,” sabi ni Jillian.

Isa namang rebelasyon ang ibinalita niya sa naturang programa at doon niya inanunsyo na magkakaroon siya ng isang special guest sa kaniyang kauna-unahang concert.

Inilarawan naman ni Jillian ang kaniyang special guest bilang: “Bagets po, Gen Z, pinakapogi, pinakamagaling, iconic.”

Agad niyang inanunsyo na ang renowned singer-songwriter at host din ng It's Showtime na si Ogie Alcasid, na tinatawag niyang “Tatay,” ang siyang guest performer niya sa concert.

Matapos ang anunsyo mula sa aktres, nagkuwento naman si Ogie at pinuri ito: “Ito kasing si Jillian, anak ko dati sa [isang] soap, ngayon, ang laki-laki mo na, ang ganda-ganda mo.”

Napag-usapan din ang isang throwback moment kung saan si Jillian daw noon ay kinukuha ang tablet ni Ogie upang mag-record ng sarili habang kumakanta.

Bagama't hinahanap raw ito ni Ogie may hirit naman ang Kapuso actress: “Recreate na lang po natin, Tay.”

“Sana po matuloy na nandoon ka [sa concert]. Minessage ko po kasi si Tatay Ogie, at kung wala raw pong conflict sa schedule, game daw po si Tatay,” hiling pa ng aktres kay Ogie.

Subaybayan si Jillian sa The Clash Teens bilang isa sa miyembro ng judging panel. Ang finale ng naturang kompetisyon ay mapapanood na sa darating na Linggo, Setyembre 6, 7:15 p.m. sa GMA, GMA Play, at Kapuso Stream.

Related Gallery: Still a Kapuso: Jillian Ward renews contract with Sparkle, marks 16 years with GMA