GMA Logo Jillian Ward
What's on TV

Jillian Ward, nahimatay sa gitna ng taping ng 'Prima Donnas?'

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 2, 2020 9:54 AM PHT
Updated December 2, 2020 2:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Scammers face up to 24 strokes of the cane in Singapore
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Ano kaya ang nangyari habang nagte-taping ang 'Prima Donnas' at nahimatay si Jillian Ward?

Panandaliang natigil ang taping ng afternoon series na Prima Donnas nang biglang magsuka ang isa sa mga bida nitong si Jillian Ward.

Unang nakapansin na hindi maganda ang kalagayan ni Jillian ay ang co-star niyang si Aiko Melendez habang siya ay nagba-vlog.

"Si Jillian nahihilo, oh," saad ni Aiko nang makita niya si Jillian sa set na maririnig sa kanyang vlog.

"Paanuhin n'yo si Jillian, painumin n'yo ng tubig."

"Jillian okay ka lang?" tanong ni Aiko.

"Jill?" tanong muli ni Aiko bago sumuka si Jillian.

Hindi naman agad naniwala ang co-stars nila na si James Blanco at pinagbintangan na pina-prank lang sila ni Jillian.

Mayamaya, nilapitan ni James at Wendell Ramos si Jillian habang nakaupo sa sofa.

"Malamig, 'di ba? I told you. Akala n'yo prank," saad ni Aiko kina James at Wendell.

"'Yung mommy niya, 'yung mommy niya. Uy, tawagan n'yo 'yung mommy niya.

"Malamig 'yung kamay niya."

Sobra naman ang pag-aalala nina Althea Ablan at Elijah Alejo kay Jillian na naging matalik na rin nilang kaibigan dahil sa show.

Dahil sa pag-aalala, tinawagan ni Elijah ang nanay ni Jillian at hindi siya umalis sa tabi ni Jillian habang nagpapahinga ito.

Pati ang direktor ng Prima Donnas na si Gina Alajar ay napatakbo kung nasaan sina Jillian.

Pagkatapos kunin ang blood pressure ni Jillian ng mga naka-stand by na medic ay bigla na lang itong tumayo at umiyak. Matapos ang ilang segundo, bigla na lang nahimatay si Jillian kaya nag-panic na ang mga tao.

Binuhat na nina Wendell at James si Jillian para dalhin sa ospital nang sabihin ni Jillian na, "It's a prank!!!!"

Panoorin ang nakakatuwa at ang best actress-worthy performance ni Jillian sa latest vlog ni Aiko:

Napapanood ang fresh episodes ng Prima Donnas tuwing Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 na Utos.

Aiko Melendez bids goodbye to Kendra as 'Prima Donnas' 'lock-in taping' ends.