
Ikinagulat daw ni Jillian Ward ang pool scene na ginawa nila ni David Licauco sa seryeng Never Say Die.
Ito ay ibinahagi ni Jillian kay Nelson Canlas sa 24 Oras. Si Jillian at David ay napapanood bilang Joey at Andrew sa GMA action-drama series na Never Say Die.
Ayon kay Jillian, "Totoo po, nagulat ako, kasi sinabi ko sa kanya, dayain natin, kunwari na lang, unahin ko 'yung isa kong paa. Ibaba ko 'yung isang paa tapos kunwari nalulunod na ako."
Ayon pa kay Jillian, ginulat siya ni David sa eksena.
"Ginawa niya po talaga. Dinamay niya ako sa pagtalon niya."
Inilahad naman ni Jillian ang mga nagpapasaya sa kaniya sa seryeng Never Say Die. "Sa mga bagay na natutuwa ako sa show kasi most of the scenes, may pagka-impromptu, biglaan lang, mas natural."
Kuwento pa ni Jillian ang mga dapat abangan sa kanilang serye ni David. "Abangan nila kung ano ang mangyayari kay Joey at sa pamilya niya. 'Yung tandem po nila ni Andrew, kung magiging okay ba talaga sila hanggang sa dulo o baka maging magkalaban sila."
Panoorin sina Jillian Ward at David Licauco sa Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
SAMANTALA, SILIPIN ANG 21ST BIRTHDAY PORTRAITS NI JILLIAN WARD DITO: