
Milyon-milyon na ang views ng video kung saan bumibirit si Jillian Ward habang kinakanta niya ang "Heart Attack" ng American singer na si Demi Lovato.
Ibinahagi ni Jillian ang kanyang video sa Facebook kung saan humakot na ito ng 4.5 million views at mahigit 300,000 reactions.
Sulat ni Jillian sa caption, "Yung di mo alam vini-video ka na pala gulat yarn?"
Pakinggan rito ang nakakabilib na pagbirit ni Jillian:
Kasalukuyang bumibida si Jillian sa GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas na mapapanood Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.