GMA Logo Jillian Ward
Source: jillian (IG)
What's Hot

Jillian Ward, ni-record na ang theme song ng 'Never Say Die'

By Marah Ruiz
Published December 17, 2025 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Thai esports player expelled from SEA Games for cheating
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Si Jillian Ward ang kakanta ng theme song ng pagbibidahan niyang seryeng 'Never Say Die.'

Nag-record ng awit kamakailan si Star of the New Gen Jillian Ward.

Theme song ito ng pagbibidahan niyang upcoming action-drama series na Never Say Die.

"More on inspirational and nakakagising din 'yung song. Tamang tama siya po for the show kasi puro action 'yung mga eksena namin, parang action with a purpose," paglalarawan ni Jillian sa kanta.

Makakasama niya sa serye sina David Licauco, Richard Yap, Raymart Santiago, Raheel Bhyria, Kim Ji Soo at marami pang iba.

Gaganap si Jillian dito bilang anak ng pulis na magiging target ng sindikato matapos niyang ma-witness ang isang krimen.


Samantala, ibinahagi rin ni Jillian na goal niya para sa 2026 ang ma-improve pa ang kanyang live performance skills.

"Nagiging consistent na po ako sa pagda-dance class ko. Nagjo-jog din ako para maging mas stable 'yung boses ko 'pag kumakanta habang sumasayaw. Nag-start na 'kong mag-singing classes," paliwanag niya.

Binalikan din niya ang 2025 at ang mga karanasan niya dito.

"Transformative," paglalarawan niya.

"Sobrang dami ko pong natutunana. Marami akong kinailangang ma-overcome but I feel like I needed that para talaga maging better person ako--better person, better artist," dagdag ni Jillian.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras.