
Bukas si Star of the New Gen Jillian Ward na makatrabaho ang boxer at kapwa Sparkle star na si Eman Bacosa Pacquiao.
"If that means na mas lagi kaming magkikita, siyempre open po ako. Sobrang bait niya po. Kahit this morning, he texted me, nangangamusta siya. If I'd be working with somebody that supportive, why not?" lahad ni Jillian sa contract signing niya sa Sparkle GMA Artist Center na ginanap noong March 10.
Matatandaang ipinakita ni Jillian ang suporta niya kay Eman sa recent boxing match nito sa Bohol kung saan nabingwit ng atleta ang isang technical knockout victory.
Bukod dito, nagpakilig din ang dalawa sa ilang mga TikTok videos, kabilang ang version nila ng viral na "Big Guy" trend.
Inilarawan ni Jillian ang kanilang budding friendship bilang "unexpected."
"I'm just so happy kasi nagkaroon po ako ng bagong tao sa buhay ko na very supportive. And in return, sinusuportahan ko din po siya sa mga gagawin niya. I'm so happy kasi sobrang unexpected po noong entrance niya sa life ko," paliwanag ng akres.
Marami din daw siyang ipinagdarasal para kay Eman, kabilang ang pagtibay ng kanilang relasyon at ang patuloy na pag-usbong ng career nito.
"I pray na maging strong ang aming friendship. I'm excited din for him kasi naniniwala din talaga 'ko na magiging future world champion siya," bahagi ni Jillian.
SILIPIN ANG CONTRACT SIGNING NI JILLIAN WARD DITO:
Abangan si Jillian Ward sa action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Panoorin din ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.