
Bata pa lang ang aktres ay napapanood na siya sa telebisyon kaya naman ipinangako niya na ibang Jillian Ward na ang mapapanood sa bagong niyang serye na Prima Donnas.
Ayon kay Jillian, excited na siya sa kanyang gagampanan na karakter dahil ito ang una niyang mature role.
"Ako 'yung pinaka-ate, 'yung pinakaresponsable. And na-e-excite po ako kasi gusto nila, bagong Jillian Ward na raw po 'yung makikita nila. Hindi na raw si Trudis Liit, si Trudis laki na po siya,” saad ni Jillian.
Gagampanan ni Jillian ang karakter ni Donna Marie, ang panganay sa tatlong Donnas. Makakasama niya rito sina Althea Ablan at Sofia Pablo bilang sina Donna Belle at Donna Lyn.
“Nag-mature na po ako, hindi katulad dati po na baby ako na nakikipaglaro-laro,” ani Jillian.
“I-expect niyo po na talagang leveled-up na po.”
Makakasama rin nina Jillian, Althea, at Sofia ang mga kilalang actor na sina Katrina Halili, Wendell Ramos, Aiko Melendez, at Chanda Romero.
IN PHOTOS: First look at the cast of 'Prima Donnas'
LOOK: Aiko Melendez returns to GMA Network after 9 years
Abangan ang Prima Donnas malapit na sa GMA Afternoon Prime.