What's Hot

Jillian Ward, open na makatrabaho si Eman Bacosa Pacquiao

By Marah Ruiz
Published March 12, 2026 1:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOE partners with DICT to integrate ‘gas station concerns’ in eGovPH app
58 OFWs from Iloilo in the Middle East want to return home
Ella Mai is coming to Manila this June

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward contract signing


Bukas si Jillian Ward sa ideya na makatrabaho si Eman Bacosa Pacquiao.

Muling pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center si Star of the New Gen Jillian Ward.

Ito ang ika-16 taon niya sa ilalim ng talent management company kung saan nagsimula siya bilang isang child actress.

"This is only the beginning. Gusto ko po talagang ma-master pa po 'yung craft ko, especially this year, sa singing, dancing, acting, performing. Talagang gusto ko pa pong mapakita 'yung side kong 'yun and of course magkakaroon pa po ng mas challenging na mga roles," lahad ni Jillian sa kanyang contract signing na ginanap noong March 10.

Bumibida si Jillian sa GMA Prime action-drama series na Never Say Die. Bukod dito, may ilang mga proyekto pang nakahain para kay Jillian.

Magiging bukas kaya siya makatrabaho ang boxer na si Eman Bacosa Pacquiao na simula noon ay hindi itinago ang paghanga kay Jillian?

Matatandaang sinuportahan ng aktres Eman sa recent boxing match nito kung saan nabingwit niya ang tagumpay sa isang technical knockout victory.

"If that means na mas lagi kaming magkikita, siyempre open po ako. Sobrang bait niya po. Kahit this morning, he texted me, nangangamusta siya. If I'd be working with somebody that supportive, why not?"

SILIPIN ANG CONTRACT SIGNING NI JILLIAN WARD DITO:

Abangan si Jillian Ward sa action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

Panoorin din ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.