What's Hot

Jillian Ward, paborito ang nakakaawang roles?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 26, 2020 7:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit nga ba gustong-gusto ng Kapuso child star na si Jillian Ward ang roles kung saan lagi siyang inaapi? 
By ANN CHARMAINE AQUINO
 

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Bata pa lamang, kinakitaan na ng galing ang Kapuso child star na si Jillian Ward. Ano pa kaya ang goals ni Jillian Ward?
 
Bilang isang batang aktres, marami pang gustong gawin si Jillian. Pero ang kanyang dream role umano ay nakakaawang characters.

Aniya, "Gusto ko po talaga 'yung nakakaawa po ako. 'Yung talaga pong magugustuhan talaga nila ako. Parang, puwede rin po 'yung pulubi rin na ganoon, 'yung inaapi-api po kasi marami pong makaka-relate rin dun."
 
Sa ilang taon ni Jillian na pag-arte, marami na siyang nagampanan na character roles.
 
"Halos lahat ng roles na nagawa ko rin po. 'Yung nakikipag-usap po ako sa animals, naging manika po ako, maitim po ako, kawawa po ganoon. Nagawa ko na rin po 'yung parang may super powers ako."
 
Sa mga characters na ito, pinaka nahirapan umano si Jillian sa kanyang characters sa dalawang shows na ito: ang Luna Blanca, kung saan siya ay gumanap bilang young Luna at My BFF, kung saan ginampanan niya ang character ng isang batang multo na si Chelsie. 
 
Pahayag ng child actress, "Hindi naman po [ganoon kahirap], pero nag-enjoy po ako pero nahirapan din ako pag naglilinya po ako napapatingin si Mommy Lyn [Manilyn Reynes]."
 
Bukod sa ilang mga naging co-stars ni Jillian, naging super close rin sila ni Manilyn Reynes dahil sa ilang mga shows na kanilang pinagsamahan. 
 
"Si Mommy Lyn, Daldalita pa lang po para ko na po siyang mommy. 'Yung first time palang po namin magkita ganoon na po," saad ni Jillian.