
Isa si Jillian Ward sa Kapuso stars na patuloy na minamahal ng napakaraming Pinoy.
Mas napatunayan pa ito ni Jillian nang dagsain ng napakaraming tao ang katatapos lamang na parade niya sa Nueva Ecija.
Suot ang kaniyang off-shoulder dress, masaya at very humble na bumati ang former Prima Donnas star sa kaniyang fans at supporters na isinisigaw pa ang kaniyang pangalan habang sila ay pumaparada.
Dahil sa COVID-19 pandemic, pansamantalang nahinto ang nakagawian ng ilang Filipino celebrities na lumibot sa ilang lugar ng Pilipinas upang makita mismo nila ng personal ang kanilang mga tagahanga.
Makalipas ang ilang taon, tila bumabalik na ang pagsasagawa ng mga parades at isa nga si Jillian sa mga nagsimulang gawin ito ulit.
Panoorin dito ang mga naging kaganapan sa parade ni Jillian:
Bukod sa pagiging isang mahusay na artista sa ilang Kapuso shows tulad na lamang ng Daig Kayo ng Lola Ko, isa rin si Jillian sa most followed celebrities sa social media.
Sa kasalukuyan, mayroon siyang 16 million followers sa Facebook, 3.5 million followers sa Instagram, at 4 million followers sa video sharing app na TikTok.
Malapit nang mapanood si Jillian bilang bida sa Abot Kamay na Pangarap, ang pinakabagong drama series na inihahandog ng GMA-7.
Samantala, silipin ang beach photos ni Jillian Ward na magpapatunay na siya ay isa ng dalaga sa gallery na ito: