
May panibagong houseguest ang maghahatid ng saya at lessons sa bahay ni Kuya ngayong paparating na mga araw.
Nito lamang Linggo, February 22, opisyal nang inanunsiyo si Kapuso actress at Never Say Die star Jillian Ward bilang panibagong houseguest sa hit reality television show na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Ano-ano ang mga malalaman ni Jillian tungkol sa mga housemates?
At anong klaseng bond kaya ang mabubuo ng aktres sa mga ito?
Panoorin lahat ng iyan ngayong Linggo, February 22, sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show nang live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.
RELATED GALLERY: MEET THE PBB COLLAB 2.0 ULTIMATE 8