GMA Logo Jillian Ward
Source: jillian/IG
What's on TV

Jillian Ward, pinipiling gawing pribado ang kaniyang love life

By Kristian Eric Javier
Published June 5, 2026 9:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman shot dead while riding habal-habal in CDO
EXPLAINER: Who can hold office under the House version of anti-political dynasty bill?
GMA Network CMO Lizelle Maralag Named to Campaign Asia-Pacific's APAC Power List 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Sa kabila ng pagiging public personality, pinipili ni Jillian Ward na panatilihing pribado ang ilang aspeto ng kaniyang buhay.

Naging laman ng mga balita ang buhay pag-ibig ni Star of the New Gen Jillian Ward matapos siyang mamataan sa concert ni Jessica Sanchez kasama ang Sparkle star na si Kobie Brown. Bago pa nito, na-link rin ang aktres sa boxer-turned-actor na si Eman Bacosa Pacquiao.

Ngunit sa kabila nito, sinabi ni Jillian sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, June 4 na mas pinipili niyang panatilihing pribado ang tungkol sa kaniyang love life.

“Kasi gusto ko rin po maprotektahan 'yung tao sa paligid ko, whether family ko 'yun o friend ko 'yun, or loved ones, gusto ko na maging private siya para mas ma-cherish ko 'yung mga connections ko, relationships ko with people,” sabi ni Jillian.

Dagdag pa ng aktres, ito rin ang paraan niya para protektahan ang pribadong buhay ng mga taong nakapaligid sa kaniya.

BALIKAN ANG STUNNING PHOTOS NG 21ST BIRTHDAY NI JILLIAN SA GALLERY NA ITO:

Sang-ayon naman dito si King of Talk Boy Abunda na sinabing sa kabila ng pagiging publiko ng mga artista at personalidad na nasa entertainment industry, may karapatan pa rin silang panatilihing pribado ang ilang bahagi ng kanilang buhay.

“You have to take care, you have to protect that kasi anything that is public about a public person is public. Pero may mga bagay, e. na 'Akin lang ito,'” sabi ng batikang host.

Sang-ayon dito si Christian Bautista na kasama ni Jillian bumisita sa naturang GMA Afternoon Prime talk show. Sabi ng Asia's Romantic Balladeer, “It is allowed, we deserve it.”

Samantala, nagbigay rin ng payo si Christian para sa nakababatang co-judge sa The Clash Teens. Ipinahayag niya kung gaano kaimportante ang pagiging honest ni Jillian at ng makakarelasyon niya sa isa't isa.

“'Yung talagang walang best foot forward. Heto ako, heto siya, how will we make this work,” sabi ni Christian.

Abangan ang The Clash Teens, ngayong June 7 na, 7:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.