
Ngayong gabi, February 2, magsisimula ang GMA Prime action-drama series na Never Say Die.
Pagbibidahan ito nina Star of the New Gen Jillian Ward at Pambansang Ginoo David Licauco.
Ipinagmamalaki ni Jillian na hindi lang basta action series ang kanilang serye.
"Sobrang proud po ako to say that this show is not just an action show, this is a project with a purpose. Sa dati ko pong mga projects like Abot-Kamay Na Pangarap, maybe na-touch po 'yung mga puso niyo but this project will open your eyes," pahayag ng aktres sa media conference ng Never Say Die.
Sigurado rin si Jillian na magiging inspirasyon para sa mga kabataan ang programa.
"I'm so excited lalo na po for the youth kasi mabubuksan po 'yung mga mata nila and magkakaroon sila ng idea sa kung ano 'yung nangyayari sa bansa natin. I hope this show would inspire them to speak up for our country," lahad niya.
Ang Never Say Die ay kuwento paghahanap ng hustisya at katotohanan ng isang vlogger at ng isang investigative journalist.
Magkasalungat man ang kanilang mga pananaw, mapipilitan silang magtulungan para mapabagsak ang isang malaking drug syndicate.
Bukod kina Jillian at David, bahagi rin ng serye sina Raheel Bhyria, Kim Ji Soo, Richard Yap, Raymart Santiago, Angelu de Leon, Ayen Munji-Laurel, Winwyn Marquez, Analyn Barro, at marami pang iba.
SILIPIN ANG MOTORCADE AT MEDIA CONFERENCE NG 'NEVER SAY DIE' DITO:
Abangan ang upcoming action-drama series na Never Say Die, simula February 2, 8:55 p.m. sa GMA Prime.
May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din online sa Kapuso Stream.