
Isang special guest si Star of the New Gen Jillian Ward sa recent boxing match ni Sparkle boxer Eman Bacosa Pacquiao.
Dumayo si Jillian sa Tagbilaran City sa Bohol para panoorin ang laban ni Eman sa Indonesian boxer na si Reynold Kundimang sa Kumong Bol-Anon XXIV noong February 28.
Proud na suot ni Jillian ang bright orange team gear ni Eman habang nanonod ng laban ringside kasama ang pamilya ni Eman, kabilang ang nanay nitong si Joanna Bacosa.
Wagi si Eman sa isang technical knockout victory matapos ang apat na rounds.
Ayon kay Jillian, ito ang unang pagkakataon niyang manood ng boxing match at proud siyang suportahan ang isang atleta na may potensiyal.
"My first time watching a boxing match! So happy I got to watch and support our country's future world champion… Laban, Pilipinas!!!" sulat niya sa Instagram kung saan ibinahagi niya ang ilang litrato nila ni Eman.
Hindi naman pinalampas nina Jillian at Eman na magpakilig sa ilang TikTok videos.
Kabilang na diyan ang entry nila sa "Big Guy" trend, pati na ang pagsyaw nila sa "Chanel" ni South African singer na si Tyla.
Samantala, bumibida si Jillian Ward sa bagong GMA Prime action-drama series na Never Say Die kasama sina Pambansang Ginoo David Licauco, Raheel Bhyria, Kim Ji Soo at marami pang iba.
Panoorin ito mula Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.