
Birth month ni Star of the New Gen Jillian Ward ang February.
Nakatakda siyang mag-celebrate ng kanyang 21st birthday sa February 23.
Ayon sa aktres, nasa edad na raw siya na handa na siyang pumasok sa isang relationship.
Pumayag na rin daw ang kanyang mga magulang na magkaroon siya ng boyfriend.
"Sina Mama naman po parang, if magkakaroon daw po ako ng boyfriend this year or kahit bukas agad okay lang sa kanila po, as long as alam ko 'yung priorities ko," bahagi ni Jillian.
Ang isa sa top priorities niya ngayon ay ang pinagbibidahan GMA Prime action-drama series na Never Say Die.
Gumaganap siya rito bilang pro-cop vlogger at anak ng pulis na si Joey Delgado.
Nakaka-relate daw siya sa kanyang karakter dahil family-oriented ito pero may nakikita rin siyang malaking pagkakaiba.
"Mas matapang po talaga si Joey. Ako kasi, kunwari malungkot ako or something upsets me, hindi ako 'yung nag-a-outburst like si Joey. Ako po kahit ngayon kunwari medyo upset ako, tahimik pa din po ako. Isasayaw ko na lang po. Magja-jogging na lang ako," paliwanag niya.
Ang Never Say Die ay kuwento paghahanap ng hustisya at katotohanan ng isang vlogger at ng isang investigative journalist. Magkasalungat man ang kanilang mga pananaw, mapipilitan silang magtulunan para mapabagsak ang isang malaking drug syndicate.
Bukod Jillian, bahagi rin ng serye sina Pambansang Ginoo David Licauco, Raheel Bhyria, Kim Ji Soo, Richard Yap, Raymart Santiago, Angelu de Leon, Ayen Munji-Laurel, Winwyn Marquez, Analyn Barro, at marami pang iba.
SILIPIN ANG MOTORCADE AT MEDIA CONFERENCE NG 'NEVER SAY DIE' DITO:
Abangan action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime.
May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din online sa Kapuso Stream.