
Pinag-uusapan ngayon ang bagong music video ni Jillian Ward para sa kantang "Pumapag-ibig," na ini-release kahapon, May 29.
Ang proyektong ito ay pinangunahan ng Kreativ U. Sa "Pumapag-ibig" ay ipinakita ni Jillian ang kanyang pagiging versatile na artist. Bukod sa pagiging isa sa pinakasikat na young actresses ng kanyang henerasyon, mas pinagtibay rin niya ang kanyang pagpasok sa music industry sa pamamagitan ng isang production na may international touch.
PHOTO SOURCE: @jillian
Tampok sa music video na ito ang Korean actor na si Lee Yoon Seo. Pinagsama naman sa proyekto ang Filipino talent, Korean creative direction, at makabagong production technology mula sa South Korea.
Isa sa mga naging highlight ng paggawa ng music video ang paggamit ng AI-assisted production at virtual production technology. Dumaan din ang team sa motion capture process at 10-oras na special effects shoot sa Korea upang makuha nang detalyado ang facial expressions, galaw, at screen presence ng mga artist para sa cinematic virtual elements ng video.
Ayon sa Kreativ U, ang "Pumapag-ibig" ay nagpapakita ng bagong direksiyon ng entertainment production.
Mapapanood na ang official music video ng "Pumapag-ibig" sa iba't ibang social media platforms at sa YouTube.
Related gallery: Jillian Ward marks 16 years with GMA as she renews contract with Sparkle