
Dumating na sa set ng GMA Prime action-drama series na Never Say Die ang boksingerong si Eman Bacosa Pacquiao.
Nakatanggap siya ng mainit na salubong mula sa production team, at maging sa bida ng serye na si Star of the New Gen Jillian Ward.
Personal na sinalubong ni Jillian si Eman sa pagdating nito sa set. Sinabitan pa niya ang atleta ng neck sash.
Kasama rin sa mga sumalubong kay Eman si Raheel Bhyria na naghandog pa ng bouquet sa nanay ni Eman na si Joanna Bacosa.
Ngayong araw, March 16, nakatakdang mag-taping si Eman ng mga eksena niya para sa Never Say Die.
Matatandaang inanunsiyo siya bilang isa sa celebrity guests sa upcoming episodes ng maaksiyong serye.
Abangan si Eman Bacosa Pacquiao sa action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.