GMA Logo Jeff Moses, Jillian Ward, Raheel Bhyria
Courtesy: Raheel Bhyria (YouTube), jillian (IG), and Jeff Moses (Facebook)
What's Hot

Jillian Ward, sinorpresa nina Raheel Bhyria at Jeff Moses

By EJ Chua
Published February 17, 2024 2:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Jeff Moses, Jillian Ward, Raheel Bhyria


Ang sweet naman nina Harry (Raheel Bhyria) at Reagan (Jeff Moses) kay Doc Analyn (Jillian Ward).

Kaugnay ng pagdiriwang ng Valentine's Day noong February 14, nakatanggap ng mga regalo at sorpresa ang Abot-Kamay Na Pangarap lead star na si Jillian Ward.

Dalawa sa kanyang leading men sa serye ang talaga namang nag-abala para kay Jillian.

Una na rito ang Sparkle heartthrob na si Raheel Bhyria na kilala sa hit series bilang si Harry Benitez.

Isang vlog ang in-upload ni Raheel sa kanyang YouTube channel, kung saan mapapanood kung paano niya sinorpresa si Jillian.

Sa naturang vlog, matutunghayan na kabadong-kabado siya bago niya iabot sa Sparkle actress ang kanyang mga regalo.

Labis na nagulat si Jillian nang matanggap niya mula kay Raheel ang flower bouquet, letter, at sugar-free na chocolates.


Bukod dito, nakatanggap din ng Valentine's gift si Jillian mula kay Jeff Moses na kilala sa serye bilang si Reagan Tibayan.

Sa latest post ni Jeff sa Facebook, makikita ang solo photo ni Jillian at sa isa pang photo kung saan kasama niya ang tinaguriang Star of the New Gen.

Isang cake na may design na Korean finger heart ang ibinigay niya kay Jillian.


Si Jillian ay napapanood sa serye bilang pinakabatang doktor sa bansa na si Doc Analyn Santos.

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: