GMA Logo Jillian Ward
source: jillian/IG
What's on TV

Jillian Ward, sinulit ang 'me time' nang matapos ang 'Abot-Kamay na Pangarap'

By Kristian Eric Javier
Published November 27, 2024 12:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Kahit naka-short break, busy pa rin si Jillian Ward sa iba't ibang activities.

“Kahit saglit lang, na-enjoy ko po siya.”

Iyan ang naging pahayag ni Star of the New Gen Jillian Ward nang magkaroon ng kaunting “me time” pagkatapos ng finale ng kaniyang hit Afternoon Prime series na Abot-Kamay na Pangarap.

Matapos ang dalawang taon, matatandaan na nagtapos ang hit medical drama series noong October 19.

Sa panayam sa kaniya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras nitong Martes, November 27, ibinahagi ni Jillian ang ilan sa mga pinagkakaabalahan niya habang nagpapahinga sa paggawa ng serye.

“Nagpakulay ako ng buhok, tapos medyo mas busy po ako ngayon sa ibang mga bagay like nagda-dance class po ako, nagfa-firing po ulit ako, mga ganu'n po,” sabi ni Jillian.

BALIKAN ANG ILAN SA PHOTOS NI JILLIAN NA NAGPAPATUNAY NG KANIYANG EXCEPTIONAL BEAUTY SA GALLERY NA ITO:


Ngayong tapos na ang kaniyang pahinga, handa na muling sumabak si Jillian sa paggawa ng bagong serye at this time, isang panibagong genre naman ang susubukan ng young actress, ang romantic-comedy.

Pag-amin ni Jillian, kinakabahan siya sa kaniyang bagong serye dahil hindi siya sanay sa mga nakakakilig na eksena.

“Bilang child star, 'yung mga roles ko po talaga growing up is 'yung mga drama, family drama, tapos wala po masyadong romance sa story. Medyo nag-start ang po sa Abot-Kamay [Na Pangarap], ayan na po, ang daming manliligaw ni Analyn,” sabi ng aktres.

Ngunit bago pa siya sumalang muli sa isang panibagong serye ay tinatapos na muna ni Jillian ang isang movie project. Ayon sa young actress, first time niyang gagawin ang role sa pelikula at tiyak siyang ikagugulat ito ng kaniyang fans.

“Sa lahat po ng characters na nagawa ko, ito po 'yung pinaka challenging. Mostly physical po, pero mentally challenging din po siya e,” sabi ng aktres.

Pagpapatuloy pa ni Jillian ay ito rin ang pinaka-intense na role na gagawin niya.

Panoorin ang buong panayam ni Jillian dito: