
Bukod sa pagiging co-stars, pamilya na rin ang turing ng Abot-Kamay Na Pangarap stars sa mga katrabaho nila sa hit series.
Pinatunayan ito ni Jillian Ward sa kanyang naging panayam sa GMA Integrated News.
Ayon sa tinaguriang Star of the New Gen, naging takbuhan na niya ang kanyang co-actors sa serye kapag siya ay may life problems.
Nakasanayan na rin umano niya ang paghingi ng payo sa ilan sa kanila tungkol sa pag-ibig.
Pahayag ni Jillian, “Sa love life, more on kay nanay Carmina [Villarroel], Tito Chuckie Dreyfus, and Mama D [Dina Bonnevie].”
“Kapag humihingi po ako ng business advice, ano 'yung pwedeng pag-invest-an para sa future ko, 'yun po kay Tatay Richard [Yap].”
Si Jillian ay kilala ng mga manonood sa award-winning medical drama bilang si Dra. Analyn Santos.
Samanatala, nalalapit na ang pagtatapos ng seryeng talagang namang pinag-usapan at patuloy na pinag-uusapan ng marami.
Huwag palampasin ang natitirang huling mga tagpo sa hit GMA medical drama series.
Mapapanood ang Abot-Kamay Na Pangarap tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: